1.18.2018

Mga Napahalagahan Kong Espiritwal na Hiyas


  • Huwag ikumpara ang sarili sa iba, sa halip, magtuon ng pansin sa aking mga pananagutan. Ang pagkukumpara ng sarili sa iba ay magpapangyari lamang sa akin na magyabang o kaya ay mainggit. Lahat tayo, may pribilehiyo man o wala, ay may maringal na posisyon dahil ipinagkatiwala sa atin ang pinakamahalagang gawain sa buong lupa sa ngayon - ang gawaing pangangaral ng mabuting balita ng kaharian. (Galacia 6:3-4)
  •  Hindi ako makapagpapakita ng pag-ibig kung ako ay walang kapakumbabaan. (Juan 13:34-35) 
  • Tulad ng isang maibiging ama, palaging naghahanap si Jehova ng dahilan at pagkakataon para pagpalain ang patuloy na humihinging tapat sa kaniya. Higit si Jehova kung umibig kaysa sa sinumang ama na may likas na pagmamahal sa kaniyang anak. (Mateo 7:11)

1 comment: